Apr 10, 2012   16074 Notes.

Apr 08, 2012   0 Notes.

Reflections on being a college student

I am currently a 3rd year BSA student of UST AMV COA . Never imagined that I’ll get this far pero eto na ako (yes!). :) Matapos lang nang maayos itong Integrated Accounting Course (IAC) ko ngayong summer eh matatawag ko na ang sarili ko na 4th year student! Hopefull! Sana regular! :)

Pero kanina tinext ako ng kaklase ko. Asking what my grade in Tax1 is coz she got 1.5. Di ko naman memorize grade ko kaya I checked myuste. I thought my grade was 1.75 coz most of my classmates got that grade. Pero 2.0 lang pala grade ko. Tinignan ko na din yung iba kong grade. Disappointed. Yet contented. Sa mga “minor” line of 1 lahat. Sa majaor, line of 2 lahat. How ironic eh? Kung ano pa major dun pa ako mababa. Wala naman ako 3.0 nor 5.0 pero hindi parin nakakatuwa yung grade ko. :(

You may ask bakit hindi ako masaya kahit wala akong bagsak or passed na mark? Kasi hindi ganito mga grado ko nung high school ako. Oo alam ko dapat hindi ko ikumpara ang college sa highschool. Pero I can’t help it. Feeling ko kung kailan dapat mas magpakitang gilas ako dahil last na to e dun pa ako humihina. Kung kailan dapat magpursigi dahil nagbabayad kami ng tuition e dun pa ako parang nagsasayang ng pera. Haayyy.

Nagpapasalamat na lang ako dahil naiintindihan ako ng mga magulang ko. Alam naman kasi ni papa na mahirap itong kurso ko kasi nag-accountancy din siya dati. Sabi nga ng mama ko e ako lang naman daw nagprepressure sa sarili ko kasi wala naman daw paki sina papa kung maka-3.0 ako basta mag-aral lang ako at maka-graduate on time para maka-tulong sa pag-aaral ng mga kapatid ko (si kuya at si bunso kasi e mag-memedicine).

Hindi ko naman kasi maiwasan na hindi i-pressure sarili ko kasi “competitive” ako in nature. Ayoko ng natatalo. Hahahaha. Ngayon ko nga lang nalaman yun sa sarili ko kasi pag mababa score ko umiiyak ako tapos next quiz, woah hello high score. Hahaha. Para sa akin tama lang yung pressure para masanay. Hehe. 

Sabi ko na lang, nagawa ko na lahat. Okay na ako sa grade ko. Pasalamat na lang ako. Pinag-puyatan, pinag-puyatan at iniyakan ko lahat ng yan. Hahaha.

IAC, humanda ka. Hindi ako iIAC! Kaya ko ito!

Apr 01, 2012   44533 Notes.

So true.

(via beben-eleben)

Mar 26, 2012   206 Notes.

Married or not you should read this…

beben-eleben:

I want to share a story about a woman who fought to save her marriage with his husband. As I read the story, I was teary-eyed, felt the struggles of the wife and realized that many of life’s failures are people who did not realize how close they were to success when they gave up. Here the story goes: 

“When I got home that night as my wife served dinner, I held her hand and said, I’ve got something to tell you. She sat down and ate quietly. Again I observed the hurt in her eyes.

Suddenly I didn’t know how to open my mouth. But I had to let her know what I was thinking. I want a divorce. I raised the topic calmly. She didn’t seem to be annoyed by my words, instead she asked me softly, why?

I avoided her question. This made her angry. She threw away the chopsticks and shouted at me, you are not a man! That night, we didn’t talk to each other. She was weeping. I knew she wanted to find out what had happened to our marriage. But I could hardly give her a satisfactory answer; she had lost my heart to Jane. I didn’t love her anymore. I just pitied her!

Read More

Mar 26, 2012   14815 Notes.

(Source: risarodil, via beben-eleben)

Jan 20, 2012   6956 Notes.

beben-eleben:

Pick Up Lines from the Male Characters of Avatar: The Legend of Aang

Dahil favorite niya to. Nahawa lang ako. hehe

Dec 30, 2011   1 Notes.

Para kay P. :’)

Sana ako na lang.

Sana tayo na lang.

Pero parang hanggang dito lang tayo.

Eto lang yung gusto mo.

Gusto ko tanungin.

Pero ayoko masaktan.

Ayoko mawalan.

Kaya siguro hanggang dito na lang.

Magkaibigan.

Hanggang dito lang.

Sayang.

Dec 25, 2011   0 Notes.

Sitwasyon sa loob ng Simbahan..

Ako po ay Katoliko. Lagi po akong nagsisimba tuwing Linggo. Kapag nagsisimba ako, gusto ko solemn yung atmosphere sa simbahan. Eh kasi yun yung place and time kung kailan makakausap mo si Lord. Though pwede naman kahit saan, iba parin pag nasa simbahan. Hmmm. :)

Pero hindi maiiwasan na minsan may mga distraction sa paligid, unsatisfied sa sermon, at kung anu-ano pa. Hehehe. 

Tuwing nagsisimba ako, inaabangan ko lagi ang sermon. Gusto ko kasi may mapulot ako sa sermon para may parang gabay ako sa linggo. Basta ganun. Hehehe. Eh kaso minsan or should I say madalas hindi maganda mga sermon. :( 

Kapag nagsisimba ako sa Manila, sa UST Chapel or sa Sto Domingo Church ako nagsisimba. Minsan English ang sermon. Hindi naman sa hindi ako nakaka-intindi ni English. Eh ano ba? English na nga yung Gospel di ba? Magkwento naman kayo ng may laman. Hindi yung in-elaborate niyo lang yung Gospel. Minsan binabasa na lang din yung ginawang essay na Homily. Kumbaga eh Gospel Part 2. Hmp. Tsaka, mas maa-appreciate ng mga tao kung galing sa puso yung mga sinasabi nila. Hayyy. Ewan. Sorry na.

Kapag nasa Pangasinan naman ako, sa Our Lady of Manaoag Parish lang talaga ako nagsisimba. Devotee ako ni Mama Mary e. :) Hindi ko alam kung pangit yung sound system nila sa Manaoag pero naaasar talaga ako dun sa isang commentator doon eh. Binabago niya boses niya. Ewan ko kung pinapaganda niya pero sa totoo lang pumapangit! Hindi ko na naiintindihan yung reading. Ang sarap niya sabunutan kasi para niyang binaboy yung reading. >:( Kung hindi naman pangit yung boses, mahina ang boses. Hayyy. Ipaintindi niyo naman sana mga binabasa niyo. :|

Hindi din maiiwasan na may mga bata sa loob ng simbahan. Aaminin ko, pag may cute na bata sa simbahan at nakatingin sa akin, nilalaro ko siya. Sorry na baby lover ako e. :) Pero pag meron ng maingay na bata na uhugin at mukhang marumi na hindi inaalagaan ng magulang. Sira na concentration ko sa loob ng simbahan. Sorry na. Karaniwan lang yan sa Manaoag. Pag nasa Manila ako, walang maingay na bata e. Hmp.

Eto ang madalas. Ang sweet lovers sa loob ng simbahan. Pero minsan lang ako ma-distract sa mga eto. Bahala sila sa buhay nila. Hahaha.

Madalas din ang mga show-off sa loob ng simbahan. Yung ang damit eh di kaaya-aya. Sleeveless, short shorts, basta ganun! Yung akala mo eh fashion show sa loob ng simbahan. Natatawa ako minsan sa UST Chapel kasi air-conditioned doon tapos may mga nagdamit na sasabihin mo eh “nag-damit ka pa”. Hahaha. Kawawa lang kasi nilamig. Hahahaha!

Alam ko dapat hindi dapat ako papa-distract sa mga ganitong bagay. Susubukan ko na talaga na hindi papaapekto. Di ko na ibabaling-baling ang paningin ko. Dapat focus lang sa purpose ko kung bakit ako nagsisimba. Pipili na din ako ng magandang time para magsimba, yung dapat magaling na pari ang magsesermon para makapulot ako ng magandang aral.

Dec 25, 2011   1 Notes.

Pasko sa Pinas. What it is like.

December 24 na..

9am—  May mga dumating na uninvited guests/ unwanted visitors/ gatecrashers sa bahay! Biro lang. Hahaha. Mga kamag-anak sila ng tatay ko. Mga kamag-anak na di ko naman kilala. Mga pangkaraniwang kamag-anak na sugod bahay dahil pasko at humihingi ng pamasko. Di ba normal naman yun sa Pinas? Pero ang ayaw ko lang kasi e para silang nanlilimos. Sorry for the term pero ganon talaga pinapakita nila e. Dadalhin yung 5 anak na uhugin, magpapa-mano, tuturuan ang anak na humingi ng pera. Tatawagin ka pang ninong o ninang kahit hindi naman. Nakakatawa nga yung isang bata kasi sinabihan nila na mag-mano sa akin. Sinabi ko na wala akong pera, hindi nag-mano! Oh diba? Naturuan na ang mga bata. Tsk tsk.

Buti na lang eh dumating tatay ko. Kung hindi kawawa naman sila, wala silang makukuha sa nanay ko. Hahaha. Chos lang. Pinakain naman namin sila. Kahit sobrang obvious si kuya na ayaw niya sa mga bisita. Binigyan sila ni papa ng gifts, kung ano yung hiling nila. Basta yun na yun!  

Akala namin dito sila magno-Noche Buena. Worried si kuya ko. Hahaha. Ayaw niya talaga eh. Nahalata ata nung mga bisita kasi pagkakuha nila nung gusto nila, umalis na din. Oh diba? 

5pm— Tahimik na ang bahay. Start na sa pagluluto at kung anu-ano pa. Nakatulog din ako. Kagigising ko nga lang eh. Hahaha. Parang hindi pasko ahh. Joke! Pasko na kasi busy na nanay ko sapagluluto at tinawag na niya ako para tumulong sa kanya. :) Marami na din natanggap na text… ang nanay ko. Hahaha! Wala man lang nagtetext sa akin. :| 

7pm— Wala lang. Hahaha. Nagtext kasi si loves. Chos! Loves na kasi 1 taon ko na siya crush eh. Hahaha. Wala lang. Maisingit lang. :)

Kanya-kanya kami ng toka. Si mama ang taga-luto, ako ang tag-hugas ng pinggan, si bunso ang nag-aayos ng lamesa, si kuya at si papa, taga-ubos ng handa. Hahaha. Grabe ilang beses akong naghugas ng pinggan ha. Anyway, gusto ko naman mag-hugas ng pinggan. :)) Promise, yun ang pinaka-gusto kong gawaing-bahay. :) 

11:30—Kainan na! :) Pero bago ang lahat, atang muna. :) Alam niyo ba ang atang? Pangasinan term ata iyon. Yun yung lahat ng handa e, kukuhanan ng porsyon at iaalay sa altar. :) After that, lafang na! Hahaha. Pagkatapos eh.. tulog ulit! Bukas ng umaga magsisimba na >:)

Ganito lang naman kami tuwing disperas ng pasko. :) MERRY CHRISTMAS!

Dec 19, 2011   3051 Notes.

twistedfork:

Send Relief
For other ways to donate kindly go to this site or read my previous reblog. Please share. 
Thank you.

twistedfork:

Send Relief

For other ways to donate kindly go to this site or read my previous reblog. Please share. 

Thank you.

NEXT »

niffylicious dreams


Sweeetposh Themes